Monday, February 09, 2009
ano nang nangyari sakin?
pasensya na at ngayon lang nakapagpost, tinatamad ako eh haha..oh eto na po..
una sa lahat, magaling na po ako at nakalabas na ng ospital..halos isang linggo din ako naconfine at sa katagal na panahong iyon, hindi man lang nila naconfirm kung ano ba talagang dahilan kung bakit di mawala ang lagnat ako at kung bakit nagmukha akong kamatis (rashes everywhere i tell you)..lang kwents haha!
pangalawa, nagpapakahirap ako ngayon dahil iwan na iwan na ako sa acads, bago kasi ako magkasakit ilang araw din akong hindi pumasok ng school (inuna ang lakwatsa haha!) kaya ngayon hirap sa paghabol ng lessons dahil exams na ngayon..haha!
pangatlo, single parin po ako at proud of it! haha, sarap kaya maging single..totoo, i'm not just saying it i really like being single..ngayon ngang naiisip ko, pagdating ng july 19 isang taon na akong single (record yan longest since 1st year college 1 year and 5 months yun dati haha!) tae..sabi ko kay rox hindi ako papayag na umabot akong 1 year na single haha, kaya bago mag july 19 i swear magkaka-bf ako haha! sana nga..kay yas sabi ko before ako mag-birthday eh pero i don't think that's gonna happen wala pako natitipuhan sa nag-aapply haha (no offense sa matatamaan sorry) kaya inextend ko for roxy haha!
pang-apat, single narin ang sister ko (pero parang hindi haha may coco kasi eh)..valentines day na sa saturday and pupunta dapat akong pnpa cavite to be darwin's date for the valentine's hop kaso tinatamad ako kaya sabi ko i'll find him another partner nalang, kung wala akong mahanap tsaka nalang ako papayag haha..ang effort kasi ang layo kaya ng silang cavite noh..at least after naman non sa pansol naman ang stay, that is kung may plano yung group nila..haha never mind..bahala na si batman haha..
lima, may bago kaming raket..pero next time na yung details kung magtagumpay ang mga plano namin ahaha! disizit na to kung sakaling matuloy haha!
anim, hindi pa tuloy yung lipat namin sa cubao, kasi pasaway daw kami ni roxanne at puro lakwatsa nalang daw kami sabi ni mama..nakakainis talaga..pinagalitan pako ni mama, sabi daw sa kanya ni mommy nagyoyosi daw kami ni roxy sa condo, pinagalitan tuloy ako..tigilan na daw namin at para daw kaming pokpok pag ganon..wah..san naman nakuha ni mommy yon?hay ewan..
pito, panata ko na ang pagkain ng gulay mula ngayon..grabe, nakakatakot ang magkasakit, grabe pa naman ako pag magkasakit, minsan nga lang pero grabe ospital ang bagsak..ayoko na ng ganon, hanggang ngayon ang sakit parin ng kamay at braso ko sa turok ng karayom (palipat-lipat ako ng IV tapos ilang beses din kinuhanan ng dugo eh), puro pasa narin braso ko dahil sa paulit-ulit na pag-bp sakin ng mga naka-duty na nursing at caregiver students, hindi pa marurunong yung iba tinuturuan ko pa haha..every two hours bumabalik sila para mag-vital signs, tae kahit natutulog manggigising talaga nakakainis..
walo, inaantok na ako ngayon at kailangan pang mag-aral kaya next time nalang ulit ha? haha, at least nagupdate diba?
aika logged at9:38 PM