Wednesday, December 17, 2008
prelims
prelims week na!! sobrang nakakastress yung week bago magprelims, pinoproblema ko kasi yung permit ko..kasi ba naman, naiwan ko sa taxing sinakyan ko yung filecase ko, kung saan nakalagay yung reg card ko, receipts at permit ko..good luck diba? sobrang nilakad ko pa sa accounting office lahat yun, kasi nagkaproblem sa records ko..kasi since late nako nagbayad ng tuition ko for last sem, nakalagay sa records nila na bayad ko yun for this sem at may balance pa ako..basta, ang labo nga nila eh..pero naayos rin salamat haha..
tapos nung saturday nanood ako ng awitan, ang galing ng erg as usual!! i really thought na may chance kami na mag-place kaso hindi eh, ie club won (in fairness ang galing talaga nila ang linis ng pyesa..congrats icy) second ang ciem (tinkerbell and peter pan pips, haha nakita ko si gellie and sa pagkakakilala ko sa kanya before i never thought i would see her wearing that costume haha) tapos third cursor..siguro 4th ang erg haha..o well, sayang lang..
kahapon la akong pasok pero sabi ko sa bahay may exam ako (syempre para may pera pabaon parin haha)..tambay kami sa the block (napapadalas na naman ako don since nagstart ang sem na to, pero paiba-iba ng kasama haha) kasama ko si rox, anj, jhong, tapos nameet ko si zela at jazi ba yun, can't remember yung isa pero ang kalog nila kasama haha ang saya nga eh..ininvite kami ni jhong na sa kanila magchristmas ngayon, kasi nakwento namin na malungkot samin pag pasko (lalo na kina rox after what just happened..) ewan ko lang kung matutuloy kami pero sana oo haha..
grabe hindi pa nagsisimula ang bakasyon ang dami nang plano noh? may xmas party, may star city, may baguio (4 days can't wait!), maraming inuman (haha)..good luck sa bulsa diba? haha!
uy announcement, di ko muna gamit yung sun ko..pinahiram ko yung isa kong phone eh..globe and smart still active so contact nyo ko dun..so ayun, pasensya sa mga kausap ko pag gabi haha manigas kayo (joke lang po haha peace!)..actually yung isa lang sa kanila ang manigas, guy can't take a hint argh..
ang tindi talaga ng taong gnon noh? hay never mind sa ibang post nalang ako maglalabas ng frustrations..i gotta sleep maaga pa bukas may party sa st. anne (awkward moment na naman dahil makikita ko na naman si ano..principal's daughter and a teacher? hehe..wish me luck..)
aika logged at8:09 PM