Monday, September 15, 2008
september 6
nung sabado, matapos ang kasalan na inattendan ko,hindi ko maisip kung saan magpupunta..kung sa alumni homecoming ba ng pisay (kung saan kailangan ko magbayad ng 300 na entrance at hindi pa kasama ang food doon, tapos hindi ko pa sigurado kung madaming batch05 ang pupunta), kung sasama ba ako kina gino para mag-inuman (kung saan hindi ko naman kilala yung iba nilang kasama at malabo ring matuloy dahil wala kaming lugar), kung uuwi na lang ba ako kina tita (kung saan andoon ang pinakakinaiinisan kong tao sa ngayon)..dahil hindi ako makapagdecide dumaan muna ako kina eileen, kung saan naabutan ko sina tats, edel at jenn na naghahandang magpunta kina jj..onga pala birthday nya nun, hindi ko man lang natext..kaya sumama na lang ako sa kanila para igreet sya ng personal..so, kahit nakatodo dress (galing nga akong kasalan diba?) ako, sige sugod papunta kina jj, kung saan sobrang overdressed ako dahil yung iba ngang nag-iinom dun nakapambahay lang..pero enjoy naman, dahil ang sarap ng pagkain, ang saya ng usapan, may videoke pa! syempre ang lola mo kahit todo kanta na sa reception napasabak parin sa kantahan..syempre nakakaworry yung nangyari sa kapatid ni edel (andami talagang gago sa mundo, wala namang ginagawa pinupunterya..) pero masaya kahit papano kasi sinama nila eileen si wella, kalog kasi kasama yun eh..madaling araw na kami nakauwi, kasabay ko si wella mag-jeep papuntang comonwelt..diko akalain na sa jeepney ride na yun malilinaw ni wella sakin mga nakakagulo sa isip ko..tinanong ako ni wella kung kamusta na kami ni ano, ang sagot ko "ewan..malabo eh..ganon parin.." tapos ang sabi nya tinanong nya rin pala sya a few days ago tas "malabo" din pala ang sagot nyo..haha ankulit lang..eto ang katuloy ng aming usapan (yung flow ng usapan ganto, hindi yan yung saktong words na sinabi pero sinubukan kong saktuhin sa pagkakaalala ko..)wella: immature pa kasi sya no?ako: hindi naman, acads lang talaga ang priority nya, tama lang naman kasi graduating na eh diba?wella: kahit na no, naniniwala ka dun?ako: oo naman (tapos tatahimik)wella: hay naku, magkaiba kasi kayo ng gusto noh?ako: onga, pero naiintindihan ko naman eh..tsaka hindi ko rin naman gustong magseryoso pa sa ngayon..basta, ok na yung kahit minsan lang nakakasama mo..wella: weh, (insert baklang comment here, hindi ko maalala yung saktong sinabi nya eh)..ah basta, wala syang kwenta..tapos hindi nako nakasagot, at napunta ang usapan namin sa montalban at kung saan nako umuuwi ngayon..pagbaba ni wella ng jeep tuloy parin ako sa pag-iisip..ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganto yung situation..magkaiba kami ng gusto, magkaiba kami ng priorities..hindi sa sinasabi kong mali ang priorities nya, dahil tama lang na pag-aaral nya ang unahin nya para sa future nya yun eh..naiintindihan ko yun kaya kahit minsan lang kami magkita kinekeri lang..ramdam ko parin naman sya kahit papano sa pagkakataon na nagkakasama kami eh, ok na sakin yun..ang hindi ok sakin, yung kawalan ng assurance, yung walang pinanghahawakan, yung hindi mo alam kung anong patutunguhan ng lahat..nung meron pang mae sa picture and sabi ko dati aatayin ko sya, at ginawa ko naman iyon..pero ngayon, hindi ko alam kung magagawa kong mag-intay..kasi hindi ko rin alam kung may iintayin ako..tama nga si wella, malabo sya..pero hindi ko naman sya sinisisi, alam kong ako parin yung mali..kasi wala akong ginawa para magkalinawan kami..hindi kita tinanong kung ano ba talagang nararamdaman nya, at lalong wala akong sinabi tungkol sa nararamdaman ko..hindi ko tinanong kung anong gusto nyang mangyari samin..hindi ko sinasabi na lagi syang nasa isip ko, na naaapektuhan pag hinihiritan ako nila eileen, tats, kuya erwin at ate jona tungkol sa kanya, na kahit naiinis ako sa tuwing di sya nagpaparamdam hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hindi magworry kung pano ang lagay nya, na nalungkot ako nung hindi natuloy yung lakad namin nung birthday ko, na sobrang nagtampo ako nung hindi nya man lang nagawang magtext sakin nung naospital ako, na para bang wala syang pakialam sa akin..hindi ko masabi na hindi ko na kaya yung ganitong set-up namin..hindi ko sinabi na sinagot ko lang si del para mawala na sya sa isip ko, at nakipaghiwalay narin ako sa kanya matapos kong marealize na ayoko nang lokohin ang sarili ko, hindi ko sinabi na sobrang saya ko nung gabing sinabi nya na gusto nya akong maging gf, at naiinis ako kasi hindi na nya ulit sinabi yon..kasalanan ko kasi hindi ako naglakas loob na sabihin sa kanya lahat yan..kasalanan ko kasi hindi ako lumayo nung simula pa lang, kahit alam kong mali yung ginagawa ko..kasalanan ko kasi pinili ko ring umabot sa ganto..kasalanan ko na hinayaan ko sarili kong mahulog, at kasalanan kong mag-assume na kahit kaunti may nararamdaman sya para sakin..tama si eileen, you don't care. hindi mo ako mahal, and i deserve better..sana lang magawa kong paniwalain ang sarili ko na hindi talaga ikaw ang dapat para sakin at nang tuluyan na kitang malimot..haha, antagal hindi nagpost tas drama to the max no? haha ganyan talaga! sensya sa mga nagbabasa dito ah, yung isang blog ko nalang ang basahin nyo yung aikalog (ang blog ng kalog na si aika), mas wholesome at nakakatawa yun..hindi madrama..
aika logged at10:51 AM
♥ profile
Name: Erika Bautista
Nickname: Erika, Aika, Aiks/Aix, Ekai, Nikai
Birthdate: April 29
School: Philippine School of Business Administration
Email: eweeka@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/aikababy
Twitter: http://twitter.com/aikabeebee
♥ loves
those who love me
those who hate me
movies
parties
arcade
shopping
singing
dancing
ice cream
french fries
rain
♥ Hates
posers
stalkers
veggies
plastic people
jejemons
liars and cheaters
♥ He is my only desire. ♥
Guess who!!
He's not the guy you fall in love at first sight, but he's the guy that you fall head over heels for.