Monday, September 15, 2008
september 6
nung sabado, matapos ang kasalan na inattendan ko,hindi ko maisip kung saan magpupunta..kung sa alumni homecoming ba ng pisay (kung saan kailangan ko magbayad ng 300 na entrance at hindi pa kasama ang food doon, tapos hindi ko pa sigurado kung madaming batch05 ang pupunta), kung sasama ba ako kina gino para mag-inuman (kung saan hindi ko naman kilala yung iba nilang kasama at malabo ring matuloy dahil wala kaming lugar), kung uuwi na lang ba ako kina tita (kung saan andoon ang pinakakinaiinisan kong tao sa ngayon)..dahil hindi ako makapagdecide dumaan muna ako kina eileen, kung saan naabutan ko sina tats, edel at jenn na naghahandang magpunta kina jj..onga pala birthday nya nun, hindi ko man lang natext..kaya sumama na lang ako sa kanila para igreet sya ng personal..so, kahit nakatodo dress (galing nga akong kasalan diba?) ako, sige sugod papunta kina jj, kung saan sobrang overdressed ako dahil yung iba ngang nag-iinom dun nakapambahay lang..pero enjoy naman, dahil ang sarap ng pagkain, ang saya ng usapan, may videoke pa! syempre ang lola mo kahit todo kanta na sa reception napasabak parin sa kantahan..syempre nakakaworry yung nangyari sa kapatid ni edel (andami talagang gago sa mundo, wala namang ginagawa pinupunterya..) pero masaya kahit papano kasi sinama nila eileen si wella, kalog kasi kasama yun eh..madaling araw na kami nakauwi, kasabay ko si wella mag-jeep papuntang comonwelt..diko akalain na sa jeepney ride na yun malilinaw ni wella sakin mga nakakagulo sa isip ko..tinanong ako ni wella kung kamusta na kami ni ano, ang sagot ko "ewan..malabo eh..ganon parin.." tapos ang sabi nya tinanong nya rin pala sya a few days ago tas "malabo" din pala ang sagot nyo..haha ankulit lang..eto ang katuloy ng aming usapan (yung flow ng usapan ganto, hindi yan yung saktong words na sinabi pero sinubukan kong saktuhin sa pagkakaalala ko..)wella: immature pa kasi sya no?ako: hindi naman, acads lang talaga ang priority nya, tama lang naman kasi graduating na eh diba?wella: kahit na no, naniniwala ka dun?ako: oo naman (tapos tatahimik)wella: hay naku, magkaiba kasi kayo ng gusto noh?ako: onga, pero naiintindihan ko naman eh..tsaka hindi ko rin naman gustong magseryoso pa sa ngayon..basta, ok na yung kahit minsan lang nakakasama mo..wella: weh, (insert baklang comment here, hindi ko maalala yung saktong sinabi nya eh)..ah basta, wala syang kwenta..tapos hindi nako nakasagot, at napunta ang usapan namin sa montalban at kung saan nako umuuwi ngayon..pagbaba ni wella ng jeep tuloy parin ako sa pag-iisip..ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganto yung situation..magkaiba kami ng gusto, magkaiba kami ng priorities..hindi sa sinasabi kong mali ang priorities nya, dahil tama lang na pag-aaral nya ang unahin nya para sa future nya yun eh..naiintindihan ko yun kaya kahit minsan lang kami magkita kinekeri lang..ramdam ko parin naman sya kahit papano sa pagkakataon na nagkakasama kami eh, ok na sakin yun..ang hindi ok sakin, yung kawalan ng assurance, yung walang pinanghahawakan, yung hindi mo alam kung anong patutunguhan ng lahat..nung meron pang mae sa picture and sabi ko dati aatayin ko sya, at ginawa ko naman iyon..pero ngayon, hindi ko alam kung magagawa kong mag-intay..kasi hindi ko rin alam kung may iintayin ako..tama nga si wella, malabo sya..pero hindi ko naman sya sinisisi, alam kong ako parin yung mali..kasi wala akong ginawa para magkalinawan kami..hindi kita tinanong kung ano ba talagang nararamdaman nya, at lalong wala akong sinabi tungkol sa nararamdaman ko..hindi ko tinanong kung anong gusto nyang mangyari samin..hindi ko sinasabi na lagi syang nasa isip ko, na naaapektuhan pag hinihiritan ako nila eileen, tats, kuya erwin at ate jona tungkol sa kanya, na kahit naiinis ako sa tuwing di sya nagpaparamdam hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hindi magworry kung pano ang lagay nya, na nalungkot ako nung hindi natuloy yung lakad namin nung birthday ko, na sobrang nagtampo ako nung hindi nya man lang nagawang magtext sakin nung naospital ako, na para bang wala syang pakialam sa akin..hindi ko masabi na hindi ko na kaya yung ganitong set-up namin..hindi ko sinabi na sinagot ko lang si del para mawala na sya sa isip ko, at nakipaghiwalay narin ako sa kanya matapos kong marealize na ayoko nang lokohin ang sarili ko, hindi ko sinabi na sobrang saya ko nung gabing sinabi nya na gusto nya akong maging gf, at naiinis ako kasi hindi na nya ulit sinabi yon..kasalanan ko kasi hindi ako naglakas loob na sabihin sa kanya lahat yan..kasalanan ko kasi hindi ako lumayo nung simula pa lang, kahit alam kong mali yung ginagawa ko..kasalanan ko kasi pinili ko ring umabot sa ganto..kasalanan ko na hinayaan ko sarili kong mahulog, at kasalanan kong mag-assume na kahit kaunti may nararamdaman sya para sakin..tama si eileen, you don't care. hindi mo ako mahal, and i deserve better..sana lang magawa kong paniwalain ang sarili ko na hindi talaga ikaw ang dapat para sakin at nang tuluyan na kitang malimot..haha, antagal hindi nagpost tas drama to the max no? haha ganyan talaga! sensya sa mga nagbabasa dito ah, yung isang blog ko nalang ang basahin nyo yung aikalog (ang blog ng kalog na si aika), mas wholesome at nakakatawa yun..hindi madrama..
aika logged at10:51 AM
Friday, September 12, 2008
survey modes
Have you smoked a whole box of cigarettes before?
* ni isang stick nga hindi ko pa nagagawa eh
Have you kissed somebody last week
* yup, counted ang kiss sa family at beso sa friends diba? haha..
Who's the last person that came to your house?
* di ko kilala, hindi naman ako yung binisita eh
Miss someone?
* oo, sobra..pero dapat hindi ko na sya ma-miss..dapat talaga..
What are you doing tomorrow?
* work?
Who is the last boy/girl you had a meaningful conversation with?
* define meaningful conversation..hmm, yung seryosong dramahan na usapan? si florizel, kaso sa text lang yun..
What were u doing at 1545 today?
* wala pang 1545, 1301 palang eh haha..
Who/what made you happy today?
* that i woke up alive..hehe..
Who's on your mind constantly?
* si eddie murphy sa kanyang latest movie na napanood ko sa sinehan recently..
Last person you hug?
* tita ko, kasi nakita nya akong umiiyak..
The last text you received on your mobile, and who was it?
* "yup, c u l8r" from jah
What was your last decision?
* sunny side up or scrambled?
Do you have any piercings?
* yup, sa ears
Last person to disappoint you?
* myself..shet andrama joke..si joan(sana di nya mabasa to haha)
Who/What made you angry today?
* so far wala pa naman..
Last thing you ate?
* carbonara
Do you find yourself loved?
* not at all
Plans for the weekend?
* bumisita kina sis eileen..
Last person you missed?
* sya..
Do you have over 150 friendster friends?
* yup
Prefer rebonded hair or permed?
* gusto kong itry magpaperm kaso sabi ni mama di daw bagay sakin kasi maliit ulo ko? hindi ko pa nacocompare kaya wala akong masagot..
Do you cry when you're upset?
* absolutely
Did you wear clip-on/stick-on earrings as a child?
* meron yung lola kong ganun, natry ko isuot..kaso ang pangit tignan hehe..
Have any cool scars?
* wala
What were you doing at 0923 this morning?
* natutulog
Do you like your hair coloured?
* never tried it pa
Can you sing?
* yup..anyone can sing, but not everyone can sing well..tama naman diba?
Do you enjoy your personality?
* anong klaseng tanong yan?
What are you looking forward to?
* next year
What do you hate most??
* ewan..
Prefer old songs, new songs or remixed?
* kahit ano..pero ayoko ng remixes, lalo na yung tagalog versions ng mga songs..
Ur fav chocolate??
* white chocolate..ayoko ng dark..
Someone you hate in school?
* umm..??
Does your bestfriend have a boyfriend?
* nope..pareho kaming naghahanap haha!
Walking into a party, what's the first thing you notice?
* kung kaunti o maraming guests
Who was the last person you ate with?
* sina tita..
When was the last time you were TRULY happy with your life?
* my birthday last year, not this year..
When did you last cry so hard?
* ewan..kahapon? haha..
Why did u cry?
* kasi hindi ko na alam gagawin sa buhay ko..shet drama!
Who made u feel better and say 'TAHAN NA.
* no one..i told myself to get a grip and stop crying
Do you believe exes can be 'just friends'?
* hay, hindi totoo yan promise!
What's to your right?
* some guy..
Whats to your left?
* another guy,.
For you, which is more important: looks or personality?
* personality syempre
What are you going to do after this?
* go home
Have you spent any time in your life in jail?
* nope, and i don't intend to
What was the last thing you ate?
* carbonara nga
What are you craving right now?
* hmm..singkamas..
When you buy something and your change is 2 cents, you keep it or tell them to?
* may sukli bang 2 cents ngayon? diba hanggang 5 cents lang? haha whatever syempre keep the change noh..
Last movie?
* meet dave
How many hours did you sleep last night?
* 7 1/2
Do you think someone is thinking about you right now?
* i hope so pero i doubt it
Whats your favorite food at thanksgiving?
* may thanksgiving ba dito?
How did you get your name?
* daimos
How's the weather today?
* maulan..
What did you do last time you were home alone?
* naglinis ng bahay
Are you friends with your neighbors?
* hindi ko pa sila kilala
Has anyone ever told you that they want to spend the rest of their life with you?
* yup but i never believed him..buti nalang kasi it wasn't true..
aika logged at12:44 PM