Tuesday, February 26, 2008
the 3 month affair ends here...
marami akong bagay na gustong sabihin sa kanya..marami akong bagay na gustong ipaliwanag, marami akong tanong na gustong itanong..pero lahat ng ito, nakatago lang..hindi ko masabi dahil wala akong lakas ng loob..ewan ko nga ba kung anong hocus-pocus ang ginawa nya sakin..kung pinainom ba nya ko ng gayuma o nahypnotize o nakulam..basta, nung una hindi naman ako ganito eh..nung una wala akong masyadong paki sa kanya..keber ko pa nga sa kung anong nangyayari sa buhay eh..basta para sa akin, kaibigan lang nyasya ng kaibigan ko..pag makasalubong, edi mag-hi..hanggang doon lang..di ko akalaing aabot sa ganito..pero sa hindi ko maintindihang dahilan, bigla ko nalang sya naiisip, napapanaginipan minsan..sa kung saan-saan nakikita..pinipilit kong hanapin ang rason pero wala talaga, hindi ko malaman kung ano ang dahilan..dumaan ang mga araw at mas lalo akong napalapit sa kanya..natutuwa ako sa tuwing makikita sya, napapanatag pag alam kong ok sya, at nakukumpleto ang araw pag nakakausap sya..minsan hindi pa ako makatulog sa gabi pag hindi ko pa sya nakakausap sa telepono..sabi ko sa sarili ko, unti-unti na ata akong nahuhulog..yun ay bago ko nalaman na meron na palang iba..parang naulit yung istorya ko dati kung saan nagpakabulag ako kay Mr.R at hindi man lang nya naisip na sabihin saking may Ms.D pala sa buhay nya..ngayon naman, itong si Mr.D, meron palang Ms.C..kung sa bagay hindi naman kailangang sabihin sa akin iyon, dahil hindi naman nyasya katulad ni Mr.R sa ginagawa..basta, magkaibang-magkaiba sila..pero halos pareho lang sila ng epektong nagawa sakin..syempre, sinubukan kong gawin ang tama at dapat gawin ng isang tao na nasa sitwasyon ko..umiwas at kalimutan sya..pero hindi ko magawa, hindi ko makayang lumayo..pinilit ko nalang ang sarili kong isipin at tanggapin na magkaibigan lang kami at hanggang doon lang talaga..syempre mas gusto ko nang maging kaibigan sya kesa wala..tumatak kasi sa isip ko yung sinabi nya sakin noon na "hindi naman kami magtatagal, kasi magka-ano kami" sinabi ko sa sarili ko, "hindi naman pala sila magtatagal, edi maghihintay nalang ako..mabuti nalang yung ganto, para kung maghiwalay na sila, andito lang ako para sa kanya, hindi sya gaanong malulungkot at masasaktan.." kasi ayoko syang makitang nalulungkot..ayokong malamang nasasaktan sya..pero hindi rin nagtagal ang ganoon na pag-iisip ko, lalo na't may nangyari na insidente (hindi ko narin sasabihin kung ano yung insidenteng iyon, basta may nangyari..) sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung anong gagawin..sabi ng aming common friend tanungin ko raw sya, deretsuhin at papiliin..hindi ko naman magawa yun dahil alam ko na naman kung sinong pipiliin nya..malamang, anong laban ko kay Ms.C na since high school palang gusto na nya eh ako ilang buwan wala pang isang sem nyang kilala diba..ayoko syang kausapin tungkol dun, ayokong marinig ang sagot nya..kasi alam kong pag ginawa ko yun, matatapos na ang lahat pag pinili nya si Ms.C..siguro nakuntento narin ako sa kung anong meron samin, nasiyahan..up to the point na nakalimutan ko nang mali..hanggang naisip ko, kung ako yung nasa posisyon ni Ms.C ayokong malaman na ganun ang ginagawa ni Mr.D sakin..nasaktan nako dati (kay kelvin) , ayokong may makaranas ng sakit na naramdaman ko ng dahil lang din sa sakin..yun ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanya na tumigil na sa pagtawag sa bahay at bawasan na ang pagtetext..umiiwas narin ako at hindi na kami nagkikita mula nang sabihin ko yun sa kanya..iniisip ko kasi nun habang maaga dapat umiwas na ako habang hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, kasi alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli..sabi nga ng aming common friend "mag-aantay ka, eh pano kung hindi nya magawang iwan si Ms.C? forever kang mag-iintay?" masyado naman ata akong martir kung sabihin kong oo..syempre hindi..pero sa loob-loob ko, alam ko na basta sabihin lang nya sakin na maghintay ako at darating din ang araw na yun, gagawin ko talaga..maghihintay ako..ilang araw din akong umiyak..sobrang nahirapan ako, wala na akong kausap sa telepono pag gabi, wala nang katext, wala nang nagrereview sa akin, wala nang consultant at private tutor/prof, wala nang kakulitan, wala nang pumipitik, wala nang kalaro ng pusoy, wala nang probinsyanong ang tigas-tigas ng punto, wala nang "gravidarum" at "i like black", wala nang feeling artista na kala mo sobrang gwapo kung magsalita, wala nang malambing na laging nagpapatawa sakin kahit gano pa ako kadepressed..wala na sya..pansin na pansin ng mga kaibigan ko kung gaano ako kalungkot mula nung araw na yun..sabi ni jenn drama queen daw ako dahil laging naiiyak, sabi ni ana natutulala nalang ako at hindi palatawa, sabi ni eileen heartbroken naman daw..ewan ko nga ba kung ano ako, basta alam ko nagbago ako..para sigurong masyado akong nasanay na andyan lang sya, na nung dumating yung araw na wala na sya hirap na hirap ako..tapos dagdag pa sa sakit yung makikita kong hindi naman ata sya apektado sa nangyari..kung sa bagay, kung may Ms.C pa naman sya eh bakit nga ba sya malulungkot? (takte ngayon naiiyak nako sobra hindi ko na mabasa ang tinatype ko)nakinig ako sa advice ng kaibigan ko sakin, sabi nya "kung masyado kang nahihirapan, hindi naman kailangang completely wala na everything as in, diba naging friends naman kayo before? why not just be friends now?" (yan ang saktong words ni yas, copy-paste from her e-mail)..so kinausap ko sya, sinabi ko sa kanya na i'm sorry for what happened at kasalanan ko lahat (sabi nya kasalanan namin pareho, sabi ni friend kasalanan nya dahil sya naman ang nagsimula..pero alam ko ako lang talaga ang mali..)ngayon parang ok na kami,nakakatext minsan pero hindi na sa telepono (sabi ko bawal na sya tumawag,
hindi ko na kasi kaya pa syang makausap ng ganun at naaalala ko lang yung dati)..binigyan pa nga nya ako kanina ng pagkain eh dahil top2 ako sa health care..sya pa nagbalita sakin nun nauna pa nyang malaman..nakakatuwa kasi kahit papano ok parin kami ngayon..friends kuno, na parang walang nangyari dati..sabi ko sa sarili ko ok na siguro sakin ang ganito, yung malaman ko na at least ok sya at masaya kahit papano, ok narin ako, masaya narin ako..pero listening to myself say those words, narealize ko na wala ring pinagbago yung dati sa ngayon, ganun parin ako, umaasa at nagpapakatanga..eto ang shoutout ko sa friendster ngayon, para sa kanya ito:alam ko gusto at kaya kitang hintayin..alam ko gusto at kaya kitang mahalin..di ko nga lang alam kung gusto mo na hintayin kita..di ko lang alam kung gusto mong mahalin kita..di ko alam kung gusto at kaya mo rin akong mahalin..kung mababasa mo man ito, totoo lahat yan..dun sa mga hindi ko alam, ayoko narin sigurong alamin ang sagot..ayoko nang malungkot, ayoko nang masaktan, ayoko nang umiyak..alam ko gusto at kaya kitang hintayin, pero hindi ko gagawin..alam ko gusto at kaya kitang mahalin, pero hindi ko gagawin..di ko nga lang alam kung gusto mo na hintayin kita..di ko lang alam kung gusto mong mahalin kita..di ko alam kung gusto at kaya mo rin akong mahalin, siguro hindi..ni minsan hindi ko pa nasabi sa kanya ito, at dito ko lang sasabihin..eto na ang pinakahuling beses na sasabihin ko ito..mahal ko sya..sana maging masaya kayo, at balang araw sana ako rin..
aika logged at10:25 PM
♥ profile
Name: Erika Bautista
Nickname: Erika, Aika, Aiks/Aix, Ekai, Nikai
Birthdate: April 29
School: Philippine School of Business Administration
Email: eweeka@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/aikababy
Twitter: http://twitter.com/aikabeebee
♥ loves
those who love me
those who hate me
movies
parties
arcade
shopping
singing
dancing
ice cream
french fries
rain
♥ Hates
posers
stalkers
veggies
plastic people
jejemons
liars and cheaters
♥ He is my only desire. ♥
Guess who!!
He's not the guy you fall in love at first sight, but he's the guy that you fall head over heels for.