Wednesday, February 27, 2008
survey ng walang magawa
TEN WHAT'S:1. What was the first thing you thought about when you woke up?~~yung report namin sa sts na hindi ko pa natatapos..2. What did you do last night?~~edi natulog3. What is the most important part of your life?~~syempre family ko..4. what are you doing now?~~nagpapalipas oras answering this survey5. did someone break your heart andleft you crying?~~hay oo..6. What always makes you feelbetter when you're upset?~~eating..kahit ano basta kumakain ako..preferably sweets..7. What are your plans tomorrow?~~attend class..8. What's the last movie you saw?~~sa sinehan diko na maalala..sa tv umm..di ko narin maalala9. What are you worried about?~~maraming bagay..acads, pera, family stuff..10. What are you looking forward tomost in this week?~~meron ba? hmm..gusto ko lang matapos na yung week na ito..NINE HAVE YOU EVERS:1. Have you ever liked someone with agirlfriend/boyfriend?~~oo na nga!2. Have you ever had your heartbroken?~~hay oo rin..3. Have you ever been kissed on yourlips?~~duuh..naman..4. Have you ever been out of thecountry?~~nope..5. Have you ever back stabbed afriend?~~not intentionally, may nasabi lang ako tapos sabi nya binack stab ko na daw sya..6. Have you ever been back stabbed by afriend?~~not that i know of..7. Have you ever had the cops calledon you?~~nope..mabait ako eh..haha..8. Have you ever dated someone youngerthan you?~~yup..i'm not gonna say how young..basta mas bata sakin un na yun..9. Have you ever read an entire bookin one day?~~oo naman no..EIGHT WHO'S:1. Who was the last person you kissed?~~define kiss..haha..si ano..2. Who was the last person who kissedyou?~~sya parin..3. Who was the last person you called?~~tita monette ko..4. Who was the last person who calledyou?~~si laarni..5. Who was the last person you've beenwith today?~~si laarni at dan..6. Who was the last person to textyou?~~si mark..7. Who was the last person you texted?~~si mark parin..8. Who did you last yell at?~~ewan..i don't yell..haha..SEVEN WHEN'S:1. When was your last bath?~~this morning..2. When did you last see your dad?~~this morning..3. When did you last dress up?~~define dress up..last feb.16 kung dress up na todo dress up..4. When was the last time you cried?~~last night..see previous post...
5. When did you last go to the movietheatre?~~omg di ko na maalala..
6. When was the last placed you'vebeen with your best friend?~~sa eng'g..7. When was the last time you saw yourcrush?~~kanina lang..FIVE DO'S/DONT'S:1. Do you like someone right now?~~yup..2. Does/do he/she/they like youtoo?~~i have no f***ing idea, i hope yes pero i think not..3. Do you ever wish you were someoneelse?~~may times na oo, pero hindi rin nagtatagal..i'm happy with being me..4. Do you play [an] intsrument/s?~~yup, pero hindi ako kagalingan..5. Does the future scare you?~~sobra..FOUR WHERE'S:1. Where did you last go to?~~sa school..2. Where did you last hang out?~~hillstar?3. Where is your favorite place tobe?~~sa tabi ni ano..joke..haha honestly wala eh..4. Where did you sleep last night?~~duh,edi sa bahay sa kwarto sa kama ko..THREE WHY'S:
1. Why are you best friend with yourbest friend?~~kasi sya lang nakakaintindi sa mga kalokohan ko, mga kalokohan na ginagawa nya rin..basta, i have never found someone na i have so much in common with than her..2. Why did your parents gave you thename you have?~~dahil ata sa daimos, i really don't know haha..3. Why are you doing this survey?~~walang magawa eh..KULANG-KULANG NO? walang six, two at one..hmm..
aika logged at10:39 AM
Tuesday, February 26, 2008
the 3 month affair ends here...
marami akong bagay na gustong sabihin sa kanya..marami akong bagay na gustong ipaliwanag, marami akong tanong na gustong itanong..pero lahat ng ito, nakatago lang..hindi ko masabi dahil wala akong lakas ng loob..ewan ko nga ba kung anong hocus-pocus ang ginawa nya sakin..kung pinainom ba nya ko ng gayuma o nahypnotize o nakulam..basta, nung una hindi naman ako ganito eh..nung una wala akong masyadong paki sa kanya..keber ko pa nga sa kung anong nangyayari sa buhay eh..basta para sa akin, kaibigan lang nyasya ng kaibigan ko..pag makasalubong, edi mag-hi..hanggang doon lang..di ko akalaing aabot sa ganito..pero sa hindi ko maintindihang dahilan, bigla ko nalang sya naiisip, napapanaginipan minsan..sa kung saan-saan nakikita..pinipilit kong hanapin ang rason pero wala talaga, hindi ko malaman kung ano ang dahilan..dumaan ang mga araw at mas lalo akong napalapit sa kanya..natutuwa ako sa tuwing makikita sya, napapanatag pag alam kong ok sya, at nakukumpleto ang araw pag nakakausap sya..minsan hindi pa ako makatulog sa gabi pag hindi ko pa sya nakakausap sa telepono..sabi ko sa sarili ko, unti-unti na ata akong nahuhulog..yun ay bago ko nalaman na meron na palang iba..parang naulit yung istorya ko dati kung saan nagpakabulag ako kay Mr.R at hindi man lang nya naisip na sabihin saking may Ms.D pala sa buhay nya..ngayon naman, itong si Mr.D, meron palang Ms.C..kung sa bagay hindi naman kailangang sabihin sa akin iyon, dahil hindi naman nyasya katulad ni Mr.R sa ginagawa..basta, magkaibang-magkaiba sila..pero halos pareho lang sila ng epektong nagawa sakin..syempre, sinubukan kong gawin ang tama at dapat gawin ng isang tao na nasa sitwasyon ko..umiwas at kalimutan sya..pero hindi ko magawa, hindi ko makayang lumayo..pinilit ko nalang ang sarili kong isipin at tanggapin na magkaibigan lang kami at hanggang doon lang talaga..syempre mas gusto ko nang maging kaibigan sya kesa wala..tumatak kasi sa isip ko yung sinabi nya sakin noon na "hindi naman kami magtatagal, kasi magka-ano kami" sinabi ko sa sarili ko, "hindi naman pala sila magtatagal, edi maghihintay nalang ako..mabuti nalang yung ganto, para kung maghiwalay na sila, andito lang ako para sa kanya, hindi sya gaanong malulungkot at masasaktan.." kasi ayoko syang makitang nalulungkot..ayokong malamang nasasaktan sya..pero hindi rin nagtagal ang ganoon na pag-iisip ko, lalo na't may nangyari na insidente (hindi ko narin sasabihin kung ano yung insidenteng iyon, basta may nangyari..) sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung anong gagawin..sabi ng aming common friend tanungin ko raw sya, deretsuhin at papiliin..hindi ko naman magawa yun dahil alam ko na naman kung sinong pipiliin nya..malamang, anong laban ko kay Ms.C na since high school palang gusto na nya eh ako ilang buwan wala pang isang sem nyang kilala diba..ayoko syang kausapin tungkol dun, ayokong marinig ang sagot nya..kasi alam kong pag ginawa ko yun, matatapos na ang lahat pag pinili nya si Ms.C..siguro nakuntento narin ako sa kung anong meron samin, nasiyahan..up to the point na nakalimutan ko nang mali..hanggang naisip ko, kung ako yung nasa posisyon ni Ms.C ayokong malaman na ganun ang ginagawa ni Mr.D sakin..nasaktan nako dati (kay kelvin) , ayokong may makaranas ng sakit na naramdaman ko ng dahil lang din sa sakin..yun ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanya na tumigil na sa pagtawag sa bahay at bawasan na ang pagtetext..umiiwas narin ako at hindi na kami nagkikita mula nang sabihin ko yun sa kanya..iniisip ko kasi nun habang maaga dapat umiwas na ako habang hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, kasi alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli..sabi nga ng aming common friend "mag-aantay ka, eh pano kung hindi nya magawang iwan si Ms.C? forever kang mag-iintay?" masyado naman ata akong martir kung sabihin kong oo..syempre hindi..pero sa loob-loob ko, alam ko na basta sabihin lang nya sakin na maghintay ako at darating din ang araw na yun, gagawin ko talaga..maghihintay ako..ilang araw din akong umiyak..sobrang nahirapan ako, wala na akong kausap sa telepono pag gabi, wala nang katext, wala nang nagrereview sa akin, wala nang consultant at private tutor/prof, wala nang kakulitan, wala nang pumipitik, wala nang kalaro ng pusoy, wala nang probinsyanong ang tigas-tigas ng punto, wala nang "gravidarum" at "i like black", wala nang feeling artista na kala mo sobrang gwapo kung magsalita, wala nang malambing na laging nagpapatawa sakin kahit gano pa ako kadepressed..wala na sya..pansin na pansin ng mga kaibigan ko kung gaano ako kalungkot mula nung araw na yun..sabi ni jenn drama queen daw ako dahil laging naiiyak, sabi ni ana natutulala nalang ako at hindi palatawa, sabi ni eileen heartbroken naman daw..ewan ko nga ba kung ano ako, basta alam ko nagbago ako..para sigurong masyado akong nasanay na andyan lang sya, na nung dumating yung araw na wala na sya hirap na hirap ako..tapos dagdag pa sa sakit yung makikita kong hindi naman ata sya apektado sa nangyari..kung sa bagay, kung may Ms.C pa naman sya eh bakit nga ba sya malulungkot? (takte ngayon naiiyak nako sobra hindi ko na mabasa ang tinatype ko)nakinig ako sa advice ng kaibigan ko sakin, sabi nya "kung masyado kang nahihirapan, hindi naman kailangang completely wala na everything as in, diba naging friends naman kayo before? why not just be friends now?" (yan ang saktong words ni yas, copy-paste from her e-mail)..so kinausap ko sya, sinabi ko sa kanya na i'm sorry for what happened at kasalanan ko lahat (sabi nya kasalanan namin pareho, sabi ni friend kasalanan nya dahil sya naman ang nagsimula..pero alam ko ako lang talaga ang mali..)ngayon parang ok na kami,nakakatext minsan pero hindi na sa telepono (sabi ko bawal na sya tumawag,
hindi ko na kasi kaya pa syang makausap ng ganun at naaalala ko lang yung dati)..binigyan pa nga nya ako kanina ng pagkain eh dahil top2 ako sa health care..sya pa nagbalita sakin nun nauna pa nyang malaman..nakakatuwa kasi kahit papano ok parin kami ngayon..friends kuno, na parang walang nangyari dati..sabi ko sa sarili ko ok na siguro sakin ang ganito, yung malaman ko na at least ok sya at masaya kahit papano, ok narin ako, masaya narin ako..pero listening to myself say those words, narealize ko na wala ring pinagbago yung dati sa ngayon, ganun parin ako, umaasa at nagpapakatanga..eto ang shoutout ko sa friendster ngayon, para sa kanya ito:alam ko gusto at kaya kitang hintayin..alam ko gusto at kaya kitang mahalin..di ko nga lang alam kung gusto mo na hintayin kita..di ko lang alam kung gusto mong mahalin kita..di ko alam kung gusto at kaya mo rin akong mahalin..kung mababasa mo man ito, totoo lahat yan..dun sa mga hindi ko alam, ayoko narin sigurong alamin ang sagot..ayoko nang malungkot, ayoko nang masaktan, ayoko nang umiyak..alam ko gusto at kaya kitang hintayin, pero hindi ko gagawin..alam ko gusto at kaya kitang mahalin, pero hindi ko gagawin..di ko nga lang alam kung gusto mo na hintayin kita..di ko lang alam kung gusto mong mahalin kita..di ko alam kung gusto at kaya mo rin akong mahalin, siguro hindi..ni minsan hindi ko pa nasabi sa kanya ito, at dito ko lang sasabihin..eto na ang pinakahuling beses na sasabihin ko ito..mahal ko sya..sana maging masaya kayo, at balang araw sana ako rin..
aika logged at10:25 PM
bati na kami!!!
akalain mo nga naman, after such a long time, magkakabati pa pala kami ng aking kakambal na si xinia..grabe, all this time akala ko may galit sya sakin, tapos yun din pala ang iniisip nya..parang the whole time nag-iiwasan kami dahil akala namin galit yung isa samin..hay, how stupid is that?buti nalang bumalik ako ng UP kanina, at nakausap si G..salamat kina gigitot at mitchitot, nagkaayos narin sina ekaiyot at xindipot..syempre hindi mawawala yung pag-iyak ko, alam nyo naman ako super iyaking bata..i'm just happy na naayos na namin lahat..syempre isa si xinia sa pinakaclose kong friends ever since we started college magkakilala na kaming tatlo nila mic (konti lang ang babae sa block namin eh)..nung nasa up ako ang dami ko ulit nameet, mga high school friends tulad nila gellie(syempre hindi nya ko pinansin), kebs(na tumatakbong ME rep), moanna at bino(sila parin ata), hyacinth, aro(maputi parin), jet(na pumuputi ata haha)..tapos syempre mga ERG na namiss ko sobra, sina G, mic, xin, vincent, ye, jozen, rovan, emong, chap and others..sayang nga lang di ko nakita sina kenneth at ronald hay..pero sa ilang oras (3 hours ata) na inilagi ko sa engg, sobrang nakumpleto na ang araw ko..sobrang saya ko talaga..kelan kaya ako ulit makakabalik? hay ewan..sana soon..
aika logged at10:18 PM
♥ profile
Name: Erika Bautista
Nickname: Erika, Aika, Aiks/Aix, Ekai, Nikai
Birthdate: April 29
School: Philippine School of Business Administration
Email: eweeka@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/aikababy
Twitter: http://twitter.com/aikabeebee
♥ loves
those who love me
those who hate me
movies
parties
arcade
shopping
singing
dancing
ice cream
french fries
rain
♥ Hates
posers
stalkers
veggies
plastic people
jejemons
liars and cheaters
♥ He is my only desire. ♥
Guess who!!
He's not the guy you fall in love at first sight, but he's the guy that you fall head over heels for.