Sunday, November 25, 2007
matinding mood swings
sobra na talaga ako ngayon..para bang one moment ang saya-saya ko, tapos the next sobrang tahimik at puro buntung-hininga..hindi ko rin completely maintindihan kung bakit..haay..
anyways, i have now (finally) admitted to myself na baka nadedevelop na ako sa isang tao..hindi ko pa nga ever inexpect na mangyayari to, kasi like i said sa mga previous posts ko i never saw him that way..pero yun nga, recently naiisip ko sya lagi at iba pakiramdam ko pag nakakausap sya..hay basta yun na yun! takte talaga..
pero yun, may something parin na naghohold back sakin..aside from the obvious fact na hindi pa talaga ako completely nakaka-move on kay kilala na natin, alam ko na this guy's got a gf..ang laking problema diba? parang ganto rin yung nangyari sakin last year with someone, pero this time alam ko na may gf yung lalaki..kaya nga siguro nahihirapan akong maniwala sa ibang mga sinasabi nya..tulad nga ng sabi ko sa shoutout ko sa friendster "mahirap ma-attach sa taong attached" takte..so true..
sabi nga sakin ng friend ko "nasa kanya na kung anong gagawin nya, at nasa yo narin kung anong magiging desisyon mo" eh hindi ko naman alam kung ano yun!! wah takte talagang pahirap sa life yan..kung pwede ko lang sanang tapatin at diretsuhin yun tao no, yun bang "ano ba talagang balak mong gawin ha? ang sakit mo sa ulo eh.." haha how i wish kaya kong gawin yun..
anyways, maibang usapan acads naman tayo..haha chicken lang ba? di naman keri parin, pasimula pa lang naman ng sem eh..ang dami ko na namang mga bagong nakikilala, at pagka-malas malas ko nga naman wala akong kakilala sa mga major subjects ko..ay hindi si Bren pala kilala ko sa healthcare (classmate ko sya dati sa introana)..tapos ang mga prof grabe na talaga ewan ko kung matutuwa ako o hindi..wala naman akong doubt na di nila alam ang tinuturo nila (kasi matalino talaga sila ang galing) pero nakakainis lang kasi para bang high school ang trato nila sa mga studyante, yun pa naman ang 2nd na ayaw ko sa mga prof (1st na ayaw ko yung mga nagmamarunong eh mali naman yung tinuturo, katulad ni...secret!) hay basta, puro reklamo na naman ako..sana lang makasurvive ako ng maayos this sem, para payagan akong pagsabayin ang hlc2 at ncm100 sa summer..gusto ko nang makagrad agad eh!
aika logged at1:16 PM
Monday, November 19, 2007
what a weird day
ewan ko ba kung bakit nawiwirdohan ako sa araw na to..para bang pare-pareho ang tingin ko sa lahat ng tao, babae o lalaki, bata o matanda..lahat sila nagiging lalaking maputing kalbo na komang..takte yan, akala ko pa naman nakukumbinsi ko na ang sarili ko, hindi pala andun parin pala sya! argh...ay hindi pala lahat, kasi may nakita ako mula sa "balcony" nila linlin na guy na nakaakbay sa isang girl akala ko si dave yung lalaki, aasarin ko dapat na may bagong girlet hindi pala sya yun haha..tapos yung isang girl na nasa harap ko akala ko si kay hinigit ko pa yung braso, hindi pala sya yun!
nakakalungkot hindi na si engr. lopez prof namin sa stat..anyway, ok naman ata si mam gorospe bahala na..tapos sa health care lab napalitan si mam rhea (angel locsin) ni mam joyce (hwang jini, promise!) hehehe..wala lang..si mam rhea parin naman sa lec namin..wala nga kaming lec eh, unless super late dumating si mam..kasi 1:30 dapat class namin, mga 2 wala pa sya..so almost 2:30 umalis na kami nila bren, aya at yung 2 na nakalimutan ko ang names (hehe sorry) sa room..naiwan pa yung iba..kung nagklase pa sila, ay lagot nalang talaga kami bukas wahaha..
as usual after class tambay ulit ako kina eileen, pinaayos ko narin yung disaster kong buhok hehe mas presentable na sya ngayon in fairness..pag nakabili nako ng bagong card reader (i can't friggin remember kung kanino ko napahiram eh, basta i know someone borrowed it..ang makakalimutin ko talaga pagdating sa ganun..) i'll try to put a pic hehe wla lang..ü
ultimate wish ko matanggal ko silang dalawa sa isip ko..si boy komang at si boy 102..hindi ako makafunction ng maayos kasi naiisip ko lagi eh nakakainis..dati 3 pa sila at least si pigeon di ko na naiisip ngayon..si boy102 di ko parin talaga magets kung bakit hanggang ngayon eh, sina eileen nilalagyan na naman ng malisya..anyways!!
kanina sa yahoogroups ng kalye trese nabasa ko yung post ni hiyasmine sabi nya "we have to stop thinking about boys! we have to stop them from distracting us!!! dapat tayo ang manggulo sa isipan nila not the other way around hahahaha!!!!" hay naku yas i hope lang talaga na kaya kong gawin yan, kaso ang hirap eh..malamang sa malamang yan di naman ako naiisip ni pigeon, at si boy102 hindi siguro kasing dalas ng pag-iisip ko sa kanya (pero alam ko naiiisip nya ko sabi ni eileen eh wahehe..ü), at si komang i have no idea..sana oo kahit papano..
sabi ko sayo weird day eh..o well, sana mas ok naman bukas..
aika logged at10:51 PM
Sunday, November 18, 2007
waah...i miss my brother...
Happy Birthday Nico!!! I miss you na sobra!!
birthday ngayon ng brother ko si Nico..sila ng little sister ko na si Nikka (cute nicknames no? alam mong magkapatid talaga) ay magkasamang nakatira sa Cavite kasama syempre ng Papa nila (yes, we all live with our dads..big question, where the hell is our mom? i have no idea, if you get a clue sabihan mo kami..)
and so andito ako sa bahay, walang clue kung paano ko magigreet ang aking kapatid na pagka-tagal tagal na naming hindi nakikita ni Roxanne..promise for the longest time na talaga..i miss them sooooo much pero wala naman akong magawa..that sucks right? syempre sobra...
i texted my mom kaninang umaga, told her na diba birthday ni nico today, and hindi ko alam kung pano sila makocontact..she sent me Tito Arnold's (papa nila Nico) number and told me to call him, tapos sabihin ko narin na dun daw kami magnonoche buena sa Pampanga this coming Christmas eve..hay grabe, i have to call this guy na hindi ko naman completely kasundo para lang makausap yung mga kapatid ko..syempre swallow muna ng pride at tawag..napakasarap sa pakiramdam yung makausap sila, kahit pansin na pansin yung lungkot sa boses ni Nico while he was thanking me..naisip ko tuloy, nobody deserves to be that sad on his birthday..as a big sister i should do something, pero wala nga eh..i felt so helpless, wala akong magawa para sa kapatid ko..
so here i go, naglalabas ng frustrations sa blog na to..bakit nga ba naging ganto ang situation? bakit ba kailangang magkakahiwalay kami? argh, sakit na naman sa ulo, ang dami ko nang iniisip..hanggang isip lang naman dahil wala akong ibang magawa..i hate this..i really hate this..alam ko ang miserable ng mga kapatid ko dun sa cavite (mga atribida mga pinsan nila eh, those stupid spoiled brats hmp!) kasi inaaway sila ng mga pinsan nila..and hindi ko sila madefend kasi nga hindi alam ng mga tao dun na kapatid nila kami ni Roxanne..hindi nila alam na 2nd husband ni mama si Tito Arnold and may ibang anak si mama..ang pakilala nga samin dun ay "pinsan" eh..
o well, all this writing's not gonna do anything to make my siblings feel better, and it certainly didn't do anything to make me feel better..in fact ngayon i feel worse..nakakainis talaga! may epal pang taong sumira sa aking umaga (yes ghinzel this is you, kung mababasa mo to i hope you rot in hell..i really hope you do..mag-enjoy ka nalang sa buhay mo ngayon and leave me alone, salamat..) sana matuloy yung sabi ni mama na magmeet kaming lahat this Christmas..
aika logged at11:43 AM
Saturday, November 17, 2007
hmmm..
lagi nalang ako napapaisip..sa mga bagay-bagay, mga tao-tao..feeling ko nga napapagod na utak ko sa kakamuni-muni ko eh..kung sinu-sinong tao nalang talaga ang naiisip ko sobra na talaga...
Person#1
ang tagal ko naring di nakakausap yung taong to..sa personal at kahit sa text or ym..hindi kasi kami nagkakasabay na online, tapos di rin ako nagrereply pag nagtetext sya..hindi sa galit ako, pero yun lang yung naiisip kong paraan para totally maalis sya sa isip ko, and finally move on..nakapag-move on na nga siguro ako, pero hindi ko na nga talaga matatanggal sa sarili ko yung pag-iisip sa kanya, kung ayos lang ba sya, at kung ano kayang iniisip nya sa mga panahong ito..haay..mahirap talagang makalimot..
Person#2
etong taong to sobrang no idea kung bakit ko sya naiisip pero hindi ko maintindihan kung bakit ba naaalala ko sya at nalilink ko sya sa kasalukuyang nangyayari sakin, yung para bang, during class ko ng nutrition naiisip ko "nakapag-nutri na sya,hiramin ko kaya handouts nya..hmm, para may rason akong kausapin sya nyan hehe" ...yung mga ganun ba? tapos magtataka nalang ako na ganun iniisip ko..isang beses nga napanaginipan ko sya eh..hehe nakwento ko kina eileen at anna yun inasar ba naman ako, ayun tuloy..pero in all seriousness, nakakapagtaka rin talaga eh..hindi ko naman sya crush (i never really thought of him that way), hindi rin naman kami ganun kaclose (i don't see him that often nagkakataon lang), pero ganun..hay naku ang gulo talaga..siguro i need more time para maintindihan to..
Person#3
eto yung isa sa mga taong kinaiinisan ko ngayon, actually madalas ko syang kainisan..yun bang maiinis ako sa kanya pero maya-maya mamimiss mo rin yung kakulitan nya, para bang ganun..malambing kasi sya eh, kaya siguro ganun..naging issue lang talaga yung pagiging sincere nya kasi minsan hindi ko na malaman kung seryoso ba sya sa mga sinasabi nya o pinapaikot ka lang nya..hindi ko rin alam kung sakin lang ba sya ganun o sa iba ganun din sya umasta..hindi kasi kami ganun kaclose kaya andun talaga yung doubt..hindi mo naman maiiwasan yung ganun eh..siguro natuto narin ako (dahil sa masasaklap na nakaraan haha joke) na wag magpadala agad sa mga ganun kaya ganto ako..madalas magagalit ako sa kanya, tapos magagalit din sya, pero pag makikipagbati nako tapos susuyuin na sya (take note kahit para sakin sya yung may kasalanan sinusuyo ko na, kasi nga gusto ko magkaayos kami..yung hindi masira ang friendship..) pero parang ako pa yung may kasalanan at tatarayan pa ako..yung ganun ba..hay, tulad nga ng sabi ni yas sakin "minsan i have to know when to hold on at when to let go" ..siguro yung ating samahan ay something to let go..ang hirap at sakit sa ulo ang problemahin kung paano masakyan ang ugali mo sa totoo lang..
Person#4
nakita ko sya kanina lang at luminaw na sa akin ang lahat: hindi ko sya kailangan sa buhay ko, mas mabuti para sa akin ang iwasan nalang sya..sobrang nagpaapekto ako last sem sa mga pinagsasabi nya sa akin at hindi ko kailangan ng ganun na magpapagulo sa isip ko sa ngayon..hindi talaga..as a big sister i advice you to grow up..seryoso lang, sa ugali mong yan walang babae ang magseseryoso sayo..ang yabang mo pa to say "kahit sinong babae kaya mong makuha" takte, to do what you did sa kaibigan ko and to say all the things you said sa akin at kay den, tangna u deserve to be where you are right now..good luck sa buhay mong patapon tsong..
Person#5
napaisip ako sa sinabi mo sa akin kahapon, na handa kang mag-antay na makalimot ako sa lahat ng gusto kong kalimutan..at napaisip ako..unfair naman para sa iyo yun kung pag-antayin kita sa isang bagay na posibleng hindi dumating..sa totoo lang, wala akong masasabing masama sayo mabait ka talagang tao at masaya kasama in the sense na nagagawa mo kong patawanin (pero mababaw naman talaga ko eh haha)..pero yun nga, kung wala talaga, wala talaga eh..sya parin talaga kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong hindi..at hindi ko alam kung pano sasabihin sa iyo to pero ayokong umasa ka sa wala, so ayun sorry..sana magawa kong sabihin to sayo at hindi lang dito sa blog kong hindi mo naman binabasa (dahil hindi mo alam na may blog ako haha)
grabe ibang level na talaga..lima lang nilagay ko kasi sila yung pinaka-latest na nasa isip ko eh..kaya eto ang aking post tungkol sa inyong lima..hahaha..ansakit na ng ulo ko masakit pa katawan ko..gudlak bukas pati lalamunan ko sasakit malamang yan..huhuhu...
aika logged at10:33 PM
Wednesday, November 14, 2007
dumadalas ang pag-post ahihi..
2nd birthday blowout ni eileen kanina! hehe sina jj kasi di nakasama sa 1st blowout nung monday eh..kenny na naman kami haha, kaso di na nagbump cars..hehe babalikan ko talaga yun P30 lang on weekdays eh, tapos kamikami lang yung tao kaya masaya! wala lang sharing ba hehe..
kamusta naman ang first 3 days of classes? eto ang mga nangyari:
stat
1st mtg di sumipot ang prof, 2nd mtg orientation kuno ng substitute dahil busy ang aming tunay na prof (take note: sya ang registrar! hehe kulit!) classmates:eileen, jen, ate ana, bert, cris, laarni, weng, justine, tsaka yung isang guy na classmate ko sa ethics (can't remember his name hehe)
HLC
di ako pumasok sa lab dahil blowout part 1 ni eileen hehe..sa lec si mam rhea ang prof ang pretty nya hehe..classmates: WALA!! huhu, sana makalipat ako sa section nila tatum, sir martinez help meeee!!
sts
grabe mali pa yung prof namin di pala si mam mallo, 2a1 daw section nya eh karamihan samin dun 2a lang..so di pa namin namimeet real prof namin...classmates:laarni, dan, ate ana, ate baby, clarissa, james, yung ibang classmates ko sa hlc na naalala ko yung mukha, tsaka yung isa kong crush!! ahihi..ü
soc5
takte adventure to kung san-saang rooms kami pinalipat tapos hindi rin naman namin nameet yung prof..sana ok nama sya..classmates: laarni and dan
soc2a
hehe ang nag-iisa kong class na regular ang section..ang ingay nila grabe, tapos mahina boses ng prof so hindi namin marinig sa likod..hay gudlak talaga..may isang cute na guy kaso bata pa eh..anyway mukha naman akong bata rin pwede na ahihi joke lang! ay grabe, may atribida pang girl dun sarap sabunutan hehe..hobby nya? sunbathing daw sabi ni tatum haha! tama na nga hehe..classmates: eileen, tatum, elaine, tapos yung isang taga-montalban din na nakakasabay ko sa jeep..naalala ko yung face eh..
sana talaga makalipat ako ng section ng healthcare..kahit regular section yun at least makakasama ko daw dun sina tatum, jj, ate ervie, si cha andun din raw..at least may kakilala akong maayos diba? si cris din lilipat if lilipat ako eh..though masasagasaan ang sked ko ng sts at soc5, keri lang yan kaya namang magpalit eh..
there! up next nutri at anaphysio..nutri classmates ko sina jen at eileen, anaphysio ewan ko lang..sana meron hehe..
wish me luck this sem!
MGA PAHABOL
yas and trina: ayan positive na ang post ko ah wala nang drama..ankukulit nyo eh haha! pero i appreciate it, thanks guys! mwahmwah!
eileen: belated happy happy birthday! salamat sobra sa libre ah! hehe sorry dun sa jessica soho thing, si jeri john ang may kasalanan swear haha!!
pigeon: makakalimutan rin kita i tell you! sana di kita maging classmate hehe..kinukulam mo siguro ako no? haha ang feeling eh..pero ang weird naman kasi talaga nun eh..
acads: kakaririn kita promise!!
cris: bawal mang-iwan sa ere ah, maya baka di ka lumipat ng section lagot ka sakin!
jj at sir martinez: heeeeelp me pleeeease!! pa-sit in narin sa bioethics hehe. :þ
NGA PALA THIS IS IMPORTANT: nabura ang numbers sa aking phonebook..akalain mo yun naiwan lang ang phone sa bahay nabura na lahat..i hate meddling cousins takte..o well tapos na yun..guys just text me kung sino kayo or message me sa friendster or ym..basta inform me in whatever possible way ng mga numbers nyo..thanks a lot!ü
aika logged at10:07 PM
Monday, November 05, 2007
wow i have a blog!
this is a picture of me with my chem classmates,kasama si sir sto.nino..last day of class to so wala lang kaming ginagawa..i gave out chocolates din pala, hehe..
i deleted my old multiply site and started a new one..under construction pa sya so i'll just put the link when it's done..may option dun if i wanted to make a link to my blogspot blog,tapos naalala ko bigla na may blog pa pala ako dito...hahaha!
and so here i am making my post..like my previous post updates nalang muna tayo..
LAST SEM:- i enrolled sa our lady of fatima university
- adjusted to my new school and made new friends (eileen,jenn,anna,tatum,jj,laarni,dan,bert,cris dami pa!)
- drifted apart sa mga old friends ko (not gonna mention names,they probably know kung sino sila)
- nagtatampo at bitter sa mga dating friends(take note:last sem to ah)
- broke up with mark(i'm not gonna go into details on this..basta yun..wala na ata talaga..)
- did ok at school(hell who am i kidding,i did great! haha!ü)
- may inaway na prof..but believe me,she deserved it!
- tuloy ang bisyo ng pag-inom,haha that's never gonna change i think..my poor liver hahaha!ü
pero know what? naappreciate ko yung mga friends ko ngayon sa fatima, kasi they're older than me, mga mas mature at iba na yung paningin nila sa buhay. yun bang we should focus sa studies dahil ang goal mo naman talaga is to get a good job with great pay to support yourself tapos your family narin in the future..kasi when i was in up sobrang pa-banjing banjing lang ako not a care in the world palakwa-lakwatsa pa and stuff, siguro dahil na nga rin sa environment ng up na puro matatalino daw..ang ironic nga eh, kung kelan ako napunta sa sinasabi nilang "lesser school", i became a better person..oha, naks!THIS VACATION:- pahirapang enrollment..walang tatalo sa pilahan grabe!
- vacation sa subic..yehezz!
- birthday parties (allie,trina,gab)
- lakwatsa galore (baywalk,eastwood,timog,makati.. ewan ko kung san na next haha..)
- got in touch with old friends (drea,mitch,joanie,manuel,wilfred,ivan,gino,ronald..)
- medyo indifferent na sa old friends(i guess if you don't see them as much nawawalan ka narin ng paki..lalo na pag alam mong wala rin silang paki sayo..)
nakakatuwa kasi when i updated my profile sa friendster ang daming nagrespond,mostly nangumusta lang,pero ung mga nilagay ko nakatext ko for a while..kagulat nga eh,si manuel pala nasa hong kong for quite some time na! salamat po sa roaming haha! wala lang,nakakaappreciate lang kasi may mga tao pa palang nakakaalala sakin (ashusus drama) hehe..tapos nito ko lang din narealize kung sino yung mga true friends ko,yung mga andyan talaga for you kahit anong mangyari..hindi sila yung mga kaibigan mo lang pag masaya,kaibigan mo lang pag may kailangan sayo,kaibigan mo lang pag nililibre mo sila,kaibigan mo lang pag sikat ka at maraming natutulong sa kanila..sa lahat ng dinanas kong problema the past few months kayo yung talagang andyan sa tabi ko,comforting me and telling me things will turn out fine..now that things are changing for the better i still want you guys by my side..kilala nyo na kung sino kayo..i love you guys, thanks for everything..
THIS COMING SEM:- full load ulit
- acads,kakaririn talaga kita!
- ipagpatuloy ang pagiging OC at effective sya, haha!
- maghahanap na ako ng bagong inspirasyon (if may makikitang papantay o hihigit sa previous one,mahirap ata yun sh*t..inspirasyon lang naman eh,you know crush-crush..)
- enjoy lang muna ang pagiging single,pero mag-eentertain parin ng applicants haha..malay mo rin diba?
- maintain friendships with those that matter,and drop those that don't
another realization for me yung quality is better than quantity..before kasi i can confidently say na i have lots of friends,kahit saan ako magpunta i always have someone na kasama ko..malawak kasi yung network eh,from elementary to high school to my org in college meron akong bagong nakakaibigan,and i think nagkakasundo naman kami ng mga taong yun..pero the time came na parang bumagsak talaga ang langit (wtf andrama sobra na yan! mali pa ata,sinukluban ng ulap b yun? o whatever..)....basta,nagdatingan lahat ng problema..sa tita ko,sa family at sa future ko,sa mama at mga kapatid ko,sa mga kasama sa boarding house,sa acads at paglipat,sa issues ng family sa bf ko,sa lahat nga sabi eh..tapos nawala lahat..yun nga,yung mga friends na inaasahan ko na makiramay man lang or magsabi ng kahit anong words of comfort..but i got nothing..siguro i expected too much..kasalanan ko na nga rin siguro yun..kasi i thought they would be there for me..pero syempre they have lives of their own and i wouldn't want to bother them with my problems..crap,nagiging drama na to..tama na nga! moral of the story:you have to be content with what you have right now,and you musn't expect anything from anyone..in tough times you've got nothing but yourself..and after each obstacle that brings you down in life you rise up, a stronger and better person..
aika logged at10:04 AM
♥ profile
Name: Erika Bautista
Nickname: Erika, Aika, Aiks/Aix, Ekai, Nikai
Birthdate: April 29
School: Philippine School of Business Administration
Email: eweeka@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/aikababy
Twitter: http://twitter.com/aikabeebee
♥ loves
those who love me
those who hate me
movies
parties
arcade
shopping
singing
dancing
ice cream
french fries
rain
♥ Hates
posers
stalkers
veggies
plastic people
jejemons
liars and cheaters