Saturday, September 30, 2006
weddings
don't you just love weddings? the thought that two more people in the world decided to share their lives together and become one unit, ang kilig diba? well, that's exactly what happened today..congratulations and best wishes to tito aris and tita sarah!! tita sars, welcome to the family! ayihee, haha.üpagkagising ko palang nung umaga ang ingay na sa bahay, nagkakagulo mga tao parang lahat talaga abalang-abala sa mga gawain nila..hindi pa nga ako nakakabangon pumasok na si nanay sa kwarto at sinabing "bumangon ka na't mag-urong dun..tapos magluluto tayo.." syempre wala man lang good morning diba? pero sige fine urong naman ako ng pinggan at gisa..pagdating ng tanghali andami nang tao sa bahay, andun na yung photographer, yung nagtahi ng damit, yung taga-makeup at ayos ng buhok namin..at pagkatapos magtanghalian, dun na nagsimula ang kaguluhan..hindi ko talaga malaman kung san ako pupunta, kung san ako lulugar..parang kahit san may tao, kahit san may kakausap sakin at mag-uutos..chaos talaga as in..3pm yung kasal, pero ang nakalagay sa invitations 2:30 para dumating na mga tao..at sabi ng tito ko dapat daw 2:00 nasa simbahan na kami, which means 1:00 dapat pa-alis na kami ng bahay..ANG NANGYARI: 2:00 hindi pa tapos ayusan sina tita monette, at nagpapanic na si tito aris.."pano kung mauna pa si sarah sakin sa simbahan? nakakahiya yun..bilisan nyo nga! ano ba yan..yadahyadahblahblah.."ganyan ba ang epekto ng kasal sa mga tao? pati lola ko hindi mapakali, palakad-lakad narin, sasakay ng crosswind, bababa dahil me nalimutan, sasakay ulit, tapos bababa na naman..lolo ko naha-high blood na, ang kukupad daw ng mga tao..mga pinsan ko nakaupo sa likod, nagsusuntukan (alam mo naman mga bata..ganun maglaro, haha!)..at ako, nakaupo at inoobserbahan silang lahat..paminsan-minsan natatawa rin, haha!üpagdating sa simbahan, ala pang nangyayari so ako, patext-text lang sa mga friendships, habang sa paligid ko ay semi-chaos na..let's say ako ang mata sa gitna ng bagyo, calm and collected..hehe!!ü nang magsimula na, nakakatuwang maglakad sa gitna ng aisle..lalo na nung nakita ko si tita sars na maglakad, ang ganda ng gown nya! as in!ü for some reason na hindi ko rin alam, naluha ako..siguro tears of joy, malamang tears of joy..weddings are sooo fun, haha..pagdating ng reception, grabe gusto ko talagang sakalin tito ko for doing this: kasama sa program na kakanta ako ng 2 kanta! takte, walang practice as in wala akong malay tinawag nalang ako bigla ng emcee..syempre nakakahiya namang iturn-down, nasa program eh..at ayun, kumanta ako ng 'for all of my life' at 'your love'..nakakahiya pa dun, ang tinawag ko sa your love ay greatest gift of all..eto pa yung linya ko:"ang next song po, greatest gift of all"..sinabi lang sakin ng tito ko after the whole thing na mali pala, takte talaga!! nasa lyrics kasi eh, "your love is the greatest gift of all"..tapos may duet dapat yung isa kong tito sa isang girl ng 'i want to spend my lifetime loving you', eh wala yung girl..ako yung pinalit goodness! grabe binabasa ko pa yung lyrics dahil di ko kabisado, nakakahiya..tapos sa dulo nagrequest pa sila na mag-'till they take my heart away', na isa sa mga favorite songs nila..ok fine, pero grabe na ah! apat na kantang walang practice?! waah..kung hindi ko lang kayo mahal di ko ginawa yun..wahehe..üo well, all in all masaya sya..yung dalawang tita ko susunod na, yung isa sa december tapos another one next year? ako kaya? sabi ni nanay/lola after 10 years daw eh..hmm..
aika logged at10:34 PM
Sunday, September 24, 2006
matinding sakit ng ulo...
una sa lahat, kakanta muna ako: Happy happy happy birthday, sayo ang inumin, sayo ang inumin, sayo ang inumin, sayo ang inumin...
dapat kahapon uuwi ako samin, magpapahanda daw sa bahay kasi umuwi si ninong pedy galing LA..kaya dapat hindi ako mag-aattend ng cwts party at hindi rin dadaan ng office ng hapon..binili ko nalang yung nakatoka sakin na drinks at utensils tapos pinadala ko kay mic..kaso umalis pala si ninong pedy at mamomove yung pakain mamayang gabi (instead of last night) kaya kahapon, hindi ko na kailangan umuwi..(gumugulo na ba yung kwento? hehe) ayun, dahil di ko feel na magparty sa vanguard, at niyayaya ako ni lhady sumama, edi dun na ako! hehe, nakakaguilty nga lang kay mic..sori mic..hehe, pagkauwi ko ng bahay kanina natulog na ako agad, tapos nagising ako mga alas-dos na ata..at ngayon, hindi ko magawang tapusin ang probset sa EEE21 dahil sa sakit ng ulo ko, waah..tuturuan ko pa naman dapat bukas sina xinia at ronald, syempre at the same time kokopya sina monmon sa dapat tapos ko nang probset, na hindi ko pa tapos ngayon..hehe..anyways, kaya yun, may oras pa! mamaya pa namang 10 kami magsisimula ng inom dito eh, ehehe! ngayon ko lang gagawin to, yung dalawang gabing magkasunod na iinom..sana kayanin ko, mga beteran pa naman mga kasabay ko mamaya (sina papa, haha!)bernard salamat!! grabe ansarap ng pasta, hehe..tsaka yung chicken! sayang hindi na nabigay yung gift sayo, di na ata nakahinga dun sa kahon eh, joke!ü va-va-voom!ü
aika logged at5:41 PM
Saturday, September 23, 2006
nothing else on tv..
hay naku, for once hindi na ako magmamadaling umuwi ng bahay para abutan ang rerun ng one tree hill..ang one tree hill kasi ay pinapalabas tuwing martes, alas-otso ng gabi sa ETC: entertainment central (it's aaall gooood!ü)..eh pag nagdatingan ang mga problem sets na dapat ipasa ng miyerkules, at mga exam na dapat ay sabado pero namomove, ayun hindi na ako pwedeng umuwi..syempre kailangang mag-stay sa apartment sa KNL para magpanggap na nag-aaral..kaya pagdating ng linggo, kailangan nasa bahay ako ng 6pm para panoorin yung rerun..eh ngayon at tapos na ang season 3 at sa september 27 pa ipapalabas ang season 4 (sa states ah), inulit na yung season 3 ipalabas..and there you go..
naimbita ako sa tatlong parties para sa araw na to.. (1)CWTS farewell party: vanguard, bring your own food, no booze (2)Kaye's party: the venue, entrance at P100, lots of food and booze (3)Bernard's party: bahay nila, no entrance, may food, may inom! ..........sa tingin nyo san ako pupunta? tinatanong pa ba yun?
grabe, namimiss ko na mga kapatid ko..huling kita ko sa kanila nung summer pa, except kay roxanne na napuntahan ko a few weeks ago sa kanila..(see picture above, that's kate [pinsan], me, roxanne, nico and nikka) hindi naman ako makapuntang cavite para ivisit sina nico at nikka, wala rin kasi akong oras at ang layo nun..i'd have to leave home early tapos aalis rin ako dun agad..nakakahiya naman kasi makitulog pa dun sa kanila..hehe..pero nagbabalak na kami ni roxanne na magpunta dun sa november, sa birthday ni nico..pero ang tagal pa nun, waah..haha, napansin ko rin sa picture ang ewan pala namin tignan..si nico nakapikit pa, haha!
see my feature picture pala..that's ian, yung pinsan ko at first inaanak ko..birthday nya kahapon, september 22..masaya yan eh, umuwi kasi daddy nya para sa birthday nya..yihee..
speaking of birthdays, HAPPY BIRTHDAY KUYA BERNARD!!! laglagan na ulit sa forums!! hehe, kaso down sya ngayon eh..sana magkaroon na ng bago..
aika logged at2:47 PM
Wednesday, September 20, 2006
sakitin..
nakakatakot, parang lahat nalang ng tao nagkakasakit ngayon...si xinia may lagnat for ilang araw na, tapos bukas magpapa-blood test sya, si mic kasasabi lang sakin ngayon na mukhang lalagnatin sya..nabalitaan ko rin na si kuya arlan may sakit din, typhoid ba o stress o something..ako na kaya ang susunod?
kanina nakagat ata ako ng kung ano sa tambayan, nagpantal pa nga sa braso ko..mga 5:30 na ata yun..hindi ko alam kung anong insekto..takte pa kamo sina maan lamok daw yun at magkakadengue daw ako..putek, sana naman hindi..
alam nyo ba yung biophotonic scanner? its this device that can tell how healthy you are based on the amount of antioxidants and carotenoids in your body, using a low frequency blue laser..nagpascan ako dito nung nasa office namin, and guess what? walang reading kasi sobrang baba ng carotenoid score ko..grabe natakot talaga ko sobra dito, hindi pa naman ako palakain ng gulay!!
sige, gagawa ako ng promise sa sarili ko: from now on i will eat vegetables..well, at least yung mga masasarap..haha!
aika logged at9:43 PM
Tuesday, September 19, 2006
happy birthday kuya chap!!
this picture was taken last year, nung nag-food trip kami sa kfc katips tapos ice cream break sa shakeys, also in katips..busog na busog akong umuwi ng bahay nun..eto yung mga panahong "nalilink" ako kay kuya chap, haha!! kaya siguro magegets nyo narin kung bakit ganyan yung itsura ko sa pic, ang ewan..haha..pero dahil yan lang ang maayos na pic ko ni kuya chap, there you go..HAPPY BIRTHDAY TITO CHAP!!!!
kahit na lagi nyo kong nilalaglag sa tambayan...
kahit na ang hirap nyong lamangan sa ranking ng forums..
kahit na lagi nyong kilala kung sino mga nilalagay ko sa tsismax thread ng forums..
kahit na antagal nyong bumili ng gift kay mic nung nagpunta tayong antipolo..
kahit na ang weird nyo tignan nung sumayaw ng papa cologne nung talent show..
kahit na nakaka-LSS sobra yung inyong super song, pati na yung cwts song "batak mo, batak mo..."
ok lang, tito chappie kita eh!! salamat pala sa taho kanina, hehe..
aika logged at10:37 PM
waw may pic..
nanghihingi sakin ng pics si archel para daw iedit nya..while looking through my pictures dito sa pc nakita ko to, this was taken nung sem planning namin bago pa magsimula ang sem na to..ayos ba yung pic? saktong-sakto sa tsempo eh..haha!! mejo blurry kasi gumagalaw sila nun..tignan nyo si JC ang ikli pa ng buhok no? ngayon paunahan na ata sila nila Crisi na maging kamukha ni Hesus..grabe talaga..magpagupit na nga kayo!!
ganyan talaga pag may gusto ka no, hindi mo talaga mapigilang hindi tumitig..para nalang kanina sa tambayan, ang aking kaibigang si miz todo titig kay hmmm..sa bagay minsan ako rin ganun, haha!! anyways..kulang na naman araw ko ngayon..parang andami kong hindi nagawa..pero nakabawi din naman in some way..mga kulang: hindi ko nakita ngayon sina mic, kenneth, at karamihan pang mga ERG dahil may interview ang circuit kanina sa tambayan nila at hindi kami pwedeng tumambay..hindi naman sya ginawang rule pero syempre as courtesy narin para sa kanila..kung kami rin naman siguro mag-interview sa tambayan more or less hindi rin sila tatambay..pero still, nagkulang talaga araw ko dahil dun..hindi ko naasar si ganto, hindi ko naaway si ganyan (kasi naman eh..argh), hindi ko naloko si ganito..hindi ko nakita si ganyan!! si ganto at ganito nakita ko pero sandali lang, di ko nga nakainteract eh..waah..hay, sa bagay busy narin mga tao ngayon, patapos na ang sem, andaming kailangang gawin..anyways correction pala: wala akong gusto kay ganto, si ganito at ganyan lang..haha as if gets nyo diba? pero merong makakagets nito, and that's what matters..naku, tapos malalaman ko pa na kasabay pala ng EEE 21 exam namin yung kasal ng tito ko!! waah, pano na yan? maaga palang kailangan na magready para sa kasal, tapos mageexam ako? ay gudlak talaga sakin..pwede kaya akong mag-compre?
aika logged at9:59 PM
Friday, September 15, 2006
celebrity look-alikes
ayos tong site na to..if you have time try to visit it..kaso di ko naman kilala yung ibang kamukha ko, celebrity ba talaga yun? haha anyways, may isang pic pa nga ko na may lumabas na lalaki eh!! takte grabe ah..bading nga ata talaga ko, wahaha joke..i mean frankie muniz?? what??anyways, ganto yung mga kinalabasan..5 pics yung tinry ko kaya inaverage ko nalang sila..hehe..Q'Orianka Kilcher 4/5 tries 84%siya pala si Pochahontas sa The New World..grabe 16 years old palang ata sya eh..yun lang alam ko sa kanya, haha..Janie Tienphosuwan 3/5 tries 75.6%thai actress sya, at kabibirthday lang nya nung september 11..sya ay 25 years old na ngayon..yung lang mahanap ko sa kanya sa net eh..haha..Aya Ueto 3/5 tries 75%japan actress and singer naman sya at well, birthday naman nitong babaeng to kahapon, at sya naman ay 21 years old na...Rosario Dawson 3/5 tries 73%hmm..basta, lumabas sya sa movie na rent..at yun, american actress sya..Jessica Alba 2/5 tries 80%haha eto natawa ko nung nakita ko..ako, kamukha si jessica alba? haha asaness..pero twice sya lumabas kaya weird..Rachel Bilson 2/5 tries 78.5%eto isa pang kagulat-gulat..rachel bilson plays summer roberts sa isa sa mga gusto kong palabas sa tv, ang the OC..tuwang-tuwa talaga ko sa character nya, and i like her more than marissa cooper..hehe, ayun lang..78.5 percent kagulat-gulat ulit..sa FHM 28th sexiest woman sya in the world nung 2006 at isa sa 50th most beautiful people ng people mag..halata bang fan nya ako? haha!üChoi Ji-woo 2/5 tries 78%isa syang south korean actress at model na sikat rin sa japan..considered sya as one of the most popular actresses in asia pero hindi ko sya kilala, haha..lumabas sya sa winter sonata at stairway to heaven na lumabas ata sa GMA7..di ko sure.tapos andami nyang acting awards, at higit pa dun ang sexy nya, 33-23-34 ba naman, haha ala lang..üAya Matsuura 2/5 tries 75.5%20 year old japanese music artist and actress..may kanta din syang lumabas sa guitar freaks na laro (natry nyo na ba yun sa arcade? nakakatuwa hehe..)Michelle Kwan 2/5 tries 74.5%26-year old figure skater sya na magaling talaga! chinese sya pero american citizen na ngayon..silang tatlong magkakapatid ng kuya ron at ate karen nya ay into skating talaga, at bata palang sya nagsimula na sya..kaya ang galing tuloy ngayon, haha..Amanda Bynes 2/5 tries 70%akalain mo pati si amanda bynes kamukha ko, haha..20 years old na sya, at makikilala mo siguro sya sa mga palabas nyang the amanda show at all that sa nickelodeon, at ang movies nyang she's the man..Nanako Matsushima 2/5 tries 68.5%eto isa na namang nagulat ako..sya si yankumi sa gokusen!! wahaha!! tuwang-tuwa pa naman ako sa palabas na yun..tapos sya rin si sadako sa ring..akalain mo kinatatakutan ko eh mejo kamukha ko pala, haha!!that's it!! haha itry nyo ivisit yung site nakakatuwa talaga sya..ü
aika logged at11:34 PM
Wednesday, September 13, 2006
missing stuff..
grabe namimiss ko na yung phone ko..waah..pero buti may replacement na..pero still..natuwa naman ako nung kinuwento ko sa kanya na wala na kong cel..kahit malungkot yung kwento ko natuwa ako kasi sa reaction nya..hindi ko ineexpect na magiging ganun sya kaapektado sa nangyari..asar na asar pa sya sa nangyari, eh ako nga hindi nga naaasar eh..haha..pero mag-gglobe na daw syA!! yes makakatipid ako!üang saya ng araw ko, kahit na olats sa EEE 33 exam..ay grabe wala man lang akong natapos sa tatlong problems..hula ko around 40 lang siguro ako dun..at least nasa target parin para ma-exempt..kailangan parin bumawi, ayoko nang magpaka-mediocre haha..pagdating na pagdating ko ba naman sa bahay diretso lecture agad ng nanay ko, nakakainis talaga..alam mo yun, pagod na pagod ka tapos ganun pa sasalubong sayo..syempre dahil cranky ako nasagot ko sya, at ayun mas lalo pa tuloy nagalit..hay, nakakainis lang naman kasi talaga..minsan ka na nga lang uuwi ng bahay tapos ganun pa sasalubong sayo..argh..bat nga ba ganun sila? nakakainis talaga..
aika logged at10:01 PM
Sunday, September 10, 2006
letter for you
hindi ako umuwi ng bahay nung tuesday kaya hindi ko napanood yung season finale ng one tree hill..kanina ko lang sya napanood..at ang lungkot..
malungkot dahil for some time hindi ko na naman mapapanood yung paborito kong palabas sa tv, at the same time malungkot kasi sobrang natamaan ako sa mga nasabi ng ibang tauhan sa palabas..
Brooke: I need you to need me back..
kung pwede ko lang sanang sabihin sayo to no, pero hindi pwede..tulad nga ng sabi ko sa kaibigan ko, "wala akong pinanghahawakan, magmumukha lang akong tanga.." pero dudugtungan ko yung linya ni Brooke, tulad ng status message ko ngayon sa ym: "i need you to need me back..but i think you don't, and that's what kills me.."
the same person asked me kung apektado daw ba ko, ang nasagot ko sa kanya "oo..di mo lang alam kung gano.." alam mo ba, ako mismo nagulat sa sinagot ko..siguro sudden outburst of emotions na hindi ko makontrol yun, siguro exaggerated, pero malamang sa malamang totoo..hindi ko rin alam kung bakit pero ganun eh..hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto..at kung bakit dahil sayo..
sino ka ba? ano bang ginawa mo sakin? minsan lang kita nakasama at nakausap, pero bakit ganto? eto ang pangalawang beses na nakaramdam ako ng ganito (honestly) at ayoko ng nangyari sakin nung unang beses, kaya ayokong mangyari ulit sakin to..kaya pinipigilan ko ang nararamdaman ko ngayon..pero hindi ko magawa..
kaya andito ako, nagagalit sayo..kung bakit mo pa ko kinausap noon, kung bakit mo ko tinetext, kung bakit mo ko sinabayan pauwi, kung bakit mo ko sinasabayan maglunch..kung bakit mo ko hinayaang makagusto sayo...ayan, inaamin ko na sayo..at sa sarili ko, at sa mga kaibigan ko..hindi na ko tatawa pag inaasar ako nila xinia na may sakit ako (sakit sa puso) dahil totoo naman talaga..
Nathan: Six billion people in the world. Six billion souls. And sometimes, all you need is one.
dati pa yan nasabi sa one tree hill, si peyton pa yung nagsabi the first time..after watching this sabi ng friend ko sakin, "what if the person you need doesn't need you? what if that person needs someone else?" ang sagot ko sa kanya nun, "malay ko, at paki ko.." well, ngayon may paki na ko, pero wala paring malay..hindi ko alam..please enlighten me..argh! anlabo mo naman kasi eh!
anyways, eto hindi sa season finale pero gusto ko naring isama..
Nathan: If you're lucky, if you're the luckiest person on this entire planet, the person you love decides to love you back.
well, i guess hindi ako maswerte, pero masaya na ko knowing na maswerte ka..haha, wala na akong masabi..
kaya ngayon nag-iiwas na ako sayo..kahit na masaya ako pag kasama ka..i just don't want things to get more complicated than it already is for me..
hay, hindi ko alam kung bakit ko pinost sa blog to, pero naalala ko lang yung unsent letter ni kuya kit sa isang tao, and i guess this is my unsent letter to you..kung mabasa mo to, ewan ko..sana hindi mo nalang mabasa..
aika logged at9:33 PM
♥ profile
Name: Erika Bautista
Nickname: Erika, Aika, Aiks/Aix, Ekai, Nikai
Birthdate: April 29
School: Philippine School of Business Administration
Email: eweeka@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/aikababy
Twitter: http://twitter.com/aikabeebee
♥ loves
those who love me
those who hate me
movies
parties
arcade
shopping
singing
dancing
ice cream
french fries
rain
♥ Hates
posers
stalkers
veggies
plastic people
jejemons
liars and cheaters